PABORITONG putahe sa lutuing Pinoy ang manok kung kaya’t siniguro ng Bounty Agro Ventures, Inc. (BAVI) na mapanatiling sariwa at ligtas ang mga manok na itinitinda sa merkado.
Nangunguna ang Bounty Agro Ventures, Inc., sa pagsusulong ng ‘no antibiotics ever (NAE) system’. Inalis ng BAVI sa proseso ang paggamit ng antibiotics sa mga manok at sinisigurong malulusog ang mga ito sa pamamagitan ng natural na pag-aalaga.
Kaya’t makakasiguro na ligtas kainin ang mga mga manok ng BAVI na siyang ginagamit sa paborito ng bayan na Chooks-to-Go, Uling Roasters at Reyal.
“As part of our commitment to nurture the health of the nation, we are continuously finding ways to innovate and offer only the safest chicken choices,” pahayag ni Ronald Mascariñas, BAVI president and general manager.
“The launch of NAE in the country is one of the steps that we are taking towards giving healthy and quality food choices at affordable prices to Filipinos,” aniya.
Sa kasalukuyan, ang lahat ng Chooks-to-Go stores sa Ilocos, Isabela, Pangasinan at Southern Tagalog ay sumusunod sa adhikain ng NAE, gayundin sa lahat ng tindahan ng Reyal at Uling Roasters sa Ilocos at Isabela.
Inaasahang, matitikman din ng mga consumers sa iba pang bahagi ng bansa ang masarap, masustansiya at ligtas kainin na antibiotic-free roasted chicken mula sa BAVI sa pagkakaroon ng NAE chicken sa lahat ng 2,000 stores sa bansa.
“We recognize that consumers, especially homemakers, desire for safe food to nourish their families and loved ones. We share this desire with them that is why we continue to innovate our products and strive to offer the best to them,” pahayag ni Mascariñas.
Iginiit ng BAVI na hindi isasapalaran ng kumpanya ang kaligtasan ng mga mamimili at tiniyak na mabibili ang mga produktong NAE sa mga retail stores sa murang halaga.
Sa nakalipas na taon, nakadepende sa antibiotics ang mga pagaalaga ng mga manok para mapanatiling ligtas at malusog ang kanilang paglaki na malayo sa anumang karamdaman. Ngunit, ang labis na paggamit ngantibiotics sa livestock at poultry ay nagiging dahilan din sa development ng antibiotic resistance disease-causing bacteria na posibleng malipat sa taong makakakain nito.
Bunsod nito, sinimulan ng Perdue Farms at Tyson Foods ang pagaalaga ng mga antibiotic-free chicken na ibinenta sa international market. Sinundan ito ng BAVI para maging kauna-unahang kumpanya na gumagamit ng NAE chicken production system.