Ni Alexandria Dennise San Juan

Ipagpapatuloy bukas, Abril 23, ng ride-sharing company na Grab ang mataas na singil sa pasahe, matapos ibalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang una nitong demand-based rate kasunod ng pagpasok ng bagong transport network company kamakailan.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, ibabalik ng Grab Philippines ang X2 surge rate matapos mag-isyu ang Board ng kautusan na “vacated and set aside” ang nauna nitong desisyon na babaan ang singil sa pasahe, at mula sa X2 ay gawing X1.5.

Ipinakita ni Lizada sa mga mamamahayag ang Motion to Vacate Order, na nilagdaan ng Board nitong Abril 20, na nagsasabing “the directive in the Order dated April 11, 2018 to lower the maximum allowable price surge is hereby vacated and set aside.”

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Abril 11 nang ipinag-utos ng LTFRB sa Grab na babaan ang singil sa pasahe habang ipinoproseso pa nito ang accreditation ng bagong TNC players na papasok sa ride-sharing market.

Sa pagpasok ng tatlong bagong local TNC players, partikular ng Hype, nagdesisyon ang LTFRB na pawalang-bisa ang kautusan nitong nagbababa sa singil sa pasahe ng Grab.