Ni MARTIN A. SADONGDONG

Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang lalaki na pinatay sa taga ang anim na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang kanyang live-in partner, habang isa pa ang nasugatan, sa San Leonardo, Nueva Ecija, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Jacqueline Gahid, public information officer ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang suspek na si Jessie Tesoro.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jennifer Caballero, kinakasama ni Tesoro; Abby Caballero; Leonila Caballero; Joshua Caballero; Sergio Caballero; at Sonny Custodio, pawang taga-Barangay Tambo Adorable, San Leonardo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakaligtas naman sa massacre si Annalyn Caballero, na nagpapagaling pa sa ospital.

Ayon kay Senior Insp. Gahid, pinagtataga ni Tesoro ang mga biktima habang himbing na natutulog ang mga ito sa inuupahang bahay bandang 4:30 ng umaga.

Ini-report ng mga kapitbahay ang insidente sa mga awtoridad makaraang matuklasan ang mga bangkay ng mga biktima.

Hindi pa natutukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang, lalo na dahil dalawang linggo pa lamang naninirahan sa lugar ang mga biktima.