HOUSTON (AP) — Muling nadomina ng Houston Rockets, sa pangunguna nina Chris Paul na may 27 puntos at Gerald Green na may 21 puntos, ang Minnesota Timberwolves, 102-82, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para sa 2-0 bentahe ng kanilang Western Conference first-round playoff.

Nalimitahan si MVP candidate James Harden sa 12 puntos.

Nanguna si Jamal Crawford sa Timberwolves, sumabak sa playoff sa unang pagkakataon mula noong 2004, sa nakubrang 16 puntos.

JAZZ 102, THUNDER 95

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Oklahoma City, nagsalansan si rookie Donovan Mitchell ng 28 puntos, tampok ang 13 sa fourth quarter para sandigan ang Utah Jazz kontra Thunder at maitabla ang kanilang Western Conference playoff series sa 1-1.

Naitala ni Derrick Favors ang career playoff best na 20 puntos at 16 rebounds, habang tumipa si Ricky Rubio ng 22 puntos, siyam na assists at pitong rebounds.

Nanguna si Russell Westbrook sa Thunder na may 19 puntos, 13 assists at siyam na rebounds, habang nalimitahan si Paul George, kumubra ng 36 puntos sa Game 1, sa mababang 18 puntos mula sa 6-for-21 shooting at tumipa si Carmelo Anthony ng 17 puntos mula sa six of 18 shots.

CAVS 100, PACERS 97

Sa Cleveland, maagang bumawi ang Cavaliers para maitabla ang Eastern Conference playoff series sa Indiana Pacers sa 1-1.

Hataw si LeBron James sa naiskor na 46 puntos at 12 rebounds sa isa na namang ‘all-around performance’ ng tinaguriang ‘The King’.

Nag-ambag si Kevin Love ng 15 puntos, habang kumana si Kyle Korver ng 12 puntos, lahat sa three-point shot.