Ni Leonel M. Abasola

Hinimok ni Senador Bam Aquino ang kabataan na magsilbi sa taumbayan at gumawa ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng paglahok sa Sangguniang Kabataan (SK) election sa Mayo 14.

“Hinihikayat natin ang mga kabataan na nais maglingkod sa kapwa at sa bayan na tumakbo sa ilalim ng bago at pinalakas na SK,”ayon kay Aquino, na isinulong ang pagpapasa ng Republic Act 10742, o SK Reform Act, bilang co-sponsor at co-author sa kanyang termino bilang chairman ng Committee on Youth noong 16th Congress.

Aniya, ito na ang pagkakataon ng kabataan para magserbisyo at solusyunan ang mga problema ng komunidad.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Inimbitahan ni Aquino ang mga lider-kabataan na humabol sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong Biyernes, Abril 20, para makapaglingkod sa pinalakas na SK.

Alinsunod sa nasabing batas, itinaas ang edad ng mga opisyal ng SK sa 18-24 na taong gulang, upang maging legal ang pagpasok nila sa mga kontrata at magkaroon ng pananagutan sa kanilang mga hakbangin.

Obligado na ring sumailalim sa mga leadership training program ang mga opisyal ng SK at magtatag ng

Local Youth Development Council (LYDC) sa pagbabalangkas ng mga proyekto para sa kabataan.