(Reuters) – Ipaiinspeksiyon ng U.S. Federal Aviation Administration ang 220 jet engines, matapos ipahayag ng mga imbestigador na sirang fan blade ang sanhi ng pagsabog ng makina ng eroplano sa Southwest Airlines flight, na ikinamatay ng isang pasahero.

Hinihiling sa nasabing utos, tinawag na air-worthiness directive, ang ultrasonic inspection sa loob ng anim na buwan sa fan blades sa lahat ng CFM56-7B engines.

Sumabog ang CFM56 engine sa Southwest flight 1380 sa Pennsylvania nitong Martes, nasa 20 minuto matapos lisanin ng Dallas-bound flight ang LaGuardia Airport ng New York.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina