Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center-San Juan)

2:00 m.h. -- UST vs Adamson (men’s playoff)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PAG-AAGAWAN ng University of Santo Tomas at Adamson University ang pang-apat at huling Final Four berth sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Naitakda ang playoff match nang muling talunin ng Tigers ang Falcons sa huling laro nila sa second round upang kapwa magtapos na may markang 6-8.

Ganap na 2:00 ngayong hapon ang pagtutuos ng Tigers at ng Falcons para sa karapatang makasagupa ang top seed National University sa Final Four.

Bagamat nawalis ang Falcons sa nakaraang eliminations, naniniwala si Tigers coach Odjie Mamon na hindi ito garantiya para makamit ang panalo.

“Siyempre, parehas kami ng Adamson na huling baraha na ito para makapasok ng Final Four. So yung first two wins namin hindi na counted yun,” pahayag ni Mamon.

Muling sasandigan ni Mamon para sa misyong makabalik ng Final Four sina Arnold Bautista, Jayvee Sumagaysay, Joshua Umandal , Tyrone Carodan at setter Tim Tajanlangit.

Sa kabilang dako, aasahan naman ni Falcons coach Domeng Custodio upang makabawi sa Tigers at makamit ang mahalagang panalo sina Paolo Pablico, Philip Yude, Mark Alvarez at Leo Miranda.