Ni NITZ MIRALLES

NABABASA ni Lovi Poe ang pamba-bash sa kanya ng mga nagpapakilalang AlDub fans at nag-aakusa sa kanyang “malandi” siya dahil dikit nang dikit kay Alden Richards noong nasa New Jersey at Toronto sila para sa “Sikat Ka, Kapuso” show ng GMA-7 kasama sina Dingdong Dantes, Betong Sumaya, Jennylyn Mercado, at Dennis Trillo.

DINGDONG JENNYLYN DENNIS LOVI ALDEN AT BETONG copy

Kahit nakabalik na sa bansa ang grupo, tuloy ang masasamang comment kay Lovi sa social media lalo na nang i-post ang mala-pictorial photo nila ni Alden sa New York. Pati ang pagko-congratulate ni Lovi kay Alden sa pagkakapanalo ng Alaala sa New York Festivals Worl’d Best TV & Films, minasama ng ilang fans.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m not affected. Nothing! We’re good friends. Kahit ano ang i-comment nila at nababasa ko nga,” nakangiting reaction ni Lovi.

May mga nagre-request sa GMA-7 na pagsamahin sa isang teleserye sina Lovi at Alden dahil sa photos pa lang nila na magkasama at sa “Sikat Ka, Kapuso” show, kinakitaan na sila ng chemistry. Parehong propesyonal, kapag kapag may chance, bakit nga naman hindi tatanggapin ng dalawa?

Sa ngayon, concentrated muna si Lovi sa The One That Got Away na nagmamarka sa viewers ang karakter niya bilang si Alex at pati na ang favorite expression niya sa sexy rom-com series na “Bakla.”

“Nagulat ako sa New Jersey at Toronto, may tumawag sa aking “Alex at may kasunod na ‘Bakla’! Nakakatuwa at dahil updated sila dahil napapanood nila ang TOTGA,” kuwento ni Lovi.

Matutuwa ang Alex-Liam (Dennis) shippers dahil sa takbo ng story, sila ang magkakatuluyan. Pero may bagong twist na mangyayari. Napanood na sa episode last Friday na may offer na new show kay Alex, pero six months siyang mawawala.

Malalaman sa mga susunod na episode kung tatanggapin ni Alex ang offer at kung makakaya niyang iwan si Liam.

Magsaya rin ang viewers ng TOTGA dahil patuloy pa rin itong mapapanood.