Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija-Tumimbuwang ang isa umanong drug-pusher matapos umanong makipagbarilan sa mga pulisya na umaaresto sa kanya sa Barangay Sto. Niño 3rd, San Jose City, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.

Dead-on-the-spot ang suspek na nakilalang si Nomer de Jesus, alyas “Van Dam”, ng nasabing barangay, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Paliwanag ni Chief Insp. Eisbon Llamares, pinangunahan nito ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Counter Intelligence Special 0peration Unit (PCISOU) at ng Provincial Intelligence Branch(PIB) ng Nueva Ecija Police Provincial 0ffice (NEPPO) sa paglatag ng manhunt operation laban sa suspek na nahaharap din sa patung-patong na kaso.

Dinakip din sa operasyon si Marcela Matamis, 32, ng nasabing lugar, nang masamsaman ng ilang paketeng hinihinalang shabu.