Mula sa Yahoo Entertainment

MATAGAL nang nakakasalamuha si Taylor Swift ng mga obsessed fan — ilang araw lamang makaraang masentensyahan ng sampung taong probation ang isang tao na nagbantang papatayin siya – isa na namang lalaki ang nanggulo sa kanya, at sa pagkakataong ito, nagnakaw sa bangko upang magpakitang gilas kay Swift.

Taylor copy

Iniulat ng NBC Connecticut na isang 26 na taong gulang na lalaking taga-Derby, Conn., na kinilalang si Bruce Rowley, ang nagnakaw sa Webster Bank sa Ansonia, Conn., noong Abril 4, at pagkatapos ay nagtungo sa Rhode Island, na kinaroroonan ng beach house ng Look What You Made Me Do singer, 28, sa Watch Hill. Pauwi na ang mga pulis noong Abril 5 nang makita ang sasakyan ni Rowley – isang 2001 Jeep Grand Cherokee — nagkaroon ng habulan ang pulisya at ang suspek na nasakote sa Connecticut border sa I-95 nang gumamit ang mga awtoridad ng spike strips para mabutas at ma-flat ang gulong ng sasakyan ni Rowley.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Habang dinadala ang suspek sa Ansonia, sinabi niya sa pulisya na mayroon siyang “crush” sa 10-time Grammy winner at gusto niyang magpa-impress sa dalaga. Kaya pagkatapos niyang nakawan ang bangko, nag-drive siya papunta sa bahay ng singer at kumuha ng ilang perang ninakaw na ibinato niya sa bakuran ni Swift. Sinabi rin niya na tinangka niyang kausapin ang singer, ngunit wala ito sa bahay.

Si Rowley, na nakagat sa braso ng Rhode Island State Police K9 ay nakakulong na, ay umamin sa ginawang pagnanaw, ayon sa police report. Habang isinasagawa ang pagnanakaw – na nagawa niya nang hindi naglalabas ng patalim o nagpahayag man lang ng pagbabanta – hindi rin siya nag-disguise at mukhang sariling kotse ang ginamit sa pagtakas.

Kinasuhan si Rowley ng second degree robbery at fourth degree larceny. Ayon sa news site, mananatili itong nasa kustodiya ng pulisya hanggang Mayo 8, para sa kanyang pagharap sa Korte.

Wala pang pahayag si Swift tungkol sa isyung ito – at wala ring komento pa ang kanyang kinatawan. Matagal nang target si Swift ng ilang obsessed fan. Sa katunayan, nitong Martes, may report na isang transient ang naaresto nang tangkaing umakyat sa dingding ng kanyang bahay sa Beverly Hills.

Sa kabila ng lahat ng drama na ito, maligaya ang songstress sa relasyon kay Joe Alwyn mula pa noong nakaraang taon, at ayon sa mga report, mukhang ito na ang “the one.” Lagi silang nagbabakasyon sa lugar ni Alwyn sa England at sa kanyang tahanan sa Manhattan at Nashville.