Ni Light A. Nolasco

SAN LUIS, Aurora - Nasawi ang isang 34-anyos na technician matapos malunod habang naliligo sa Mother Falls sa San Luis, Aurora, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jayson Capinpin, ng Tarlac City.

Sa pahayag ni Lyn Fabiones, ng Municipal Disaster Risk and Reduction Office (MDRRMO) chief, lumalangoy si Capinpin sa naturang talon, kasama ang mga kaibigan, nang tangayin ng tubig pailalim.

Probinsya

DepEd Regional Office III, iimbestigahan alegasyon ng plagiarism sa RSPC 2026

Naiahon si Capinpin sa lugar, ngunit binawian na ito ng buhay.

Kaugnay nito, pinag-iingat ni Fabiones ang mga turistang dumarayo sa lugar upang hindi na maulit ang insidente.