Ni PNA

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) nitong lunes laban sa pagbenta at paggamit ng 12 cosmetic product mula sa South Korea, na nadiskubreng kontaminado ng mapanganib na antimony.

Sa inilabas na FDA Advisory No. 2018-119, pinaalalahanan ng FDA ang publiko sa mga Korean cosmetic products na ipinagbabawal sa bansa.

Ito’y matapos makitaan ng Ministry of Food and Drug Safety (MFDS), ng mataas na lebel ng antimony, mapanganib na uri ng metal, ang 12 cosmetic product.

“Anyone is reminded too avoid purchasing and using cosmetic products from South Korea found to be containing dangerous levels of antimony,” ayon sa FDA.

Kabilang sa 12 produkto na ipinagbabawal ay ang Aritaum Full Cover Stick Concealer (#1 Light Beige); Aritaum Full Cover Stick Concealer (#2 Natural Beige); Aritaum Full Cover Cream Concealer (#1 Light Beige & Natural Beige); Aritaum Full Cover Cream Concealer (#2 Olive Green & Pink); Etude House Drawing Eyebrow Duo (#3 Gray Brown); XTM Style Homme For Men Easy Stick Concealer; Black Monster Homme Black Erasing Pen; Skeda Homme Spot Concealer; Skinfood Cherry Full Lip Liner (Rose Cherry); 3CE Slim Eyebrow Pencil (Chestnut Brown); Makeheal Naked Slim Brown Pencil Br0203; at Makeheal Naked Slim Brown Pencil Yl0801.

“Anyone who has bought the aforementioned cosmetic products, either from international travel (i.e. South Korea) or social media sites illegally offering them for sale, are highly advised to immediately stop using them and throw them away,” dagdag pa ng FDA.

Paalala ng FDA, ang antimony ay isang heavy metal na natural sa kapaligiran na maaaring makasama sa kalusugan at makasira ng heart muscle, baga at atay.

Kabilang sa sintomas ng pagkalason sa antimony ay pangangati ng balat, sakit ng ulo, nausea, pagsusuka, insomnia, at pananakit ng tiyan.

“The FDA informs the public that 12 cosmetic products mentioned are not notified with FDA and are not allowed to be distributed in the country,” dagdag ng FDA.