Ni Marivic Awitan

KUMPLETONG bilang ng mga miyembrong koponan ng NCAA at UAAP ang maglalaban-laban sa darating na 12th Filoil Flying V Pre-Season Premier Cup na magbubukas sa Abril 21.

Bukod sa mga koponan ng dalawang pangunahing collegiate leagues ng bansa, nakatakda ring lumahok sa torneo na idaraos sa Filoil Flying V Center sa San Juan City ang 23 cadets ng 2023 Gilas Pilipinas pool.

Para sa opening day, magtutuos sa unang laro ganap na 4:30 ng hapon ang De La Salle University at University of the Philippines na susundan ng tapatan ng UAAP Season 80 champions Ateneo Blue Eagles at ng 2023 Gilas Pilipinas pool ganap na 6:30 ng gabi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang iba pang mga koponang kalahok na hinati sa dalawang grupo ay ang, defending champions San Beda College Red Lions, Ateneo Blue Eagles, De La Salle Green Archers, Mapua University Cardinals, Emilio Aguinaldo College Generals, University of Perpetual Help Altas, National University Bulldogs, University of the East Red Warriors, University of the Philippines Fighting Maroons.at 2023 Gilas cadets na magkakasama sa Group A.

Kasama naman nila at napabilang sa Group B ang Adamson Soaring Falcons, Arellano University Chiefs, College of Saint Benilde Blazers, Letran Knights, Far Easterjn University Tamaraws, Lyceum Pirates, San Sebastian College Stags, Jose Rizal University Heavy Bombers at University of Santo Tomas Tigers.

Samantala, para sa karagdagang atraksiyon, magkakaroon din ng one-on-one tournament na gaganapin kada halftime ng ikalawang laban.