Ni Reggee Bonoan

DINEDMA ng mga katoto ang kilalang aktor sa isang mall show dahil hindi nila gusto ang manager nito.

“Naku, dedma na natin ‘yan, mahirap kausap ang manager baka may maitanong ka pa, eh, kung anu-ano ang sabihin,” narinig naming usapan ng mga kasamahan sa panulat sa mga pahayagan at sa online. “Dumidiretso manager niyan sa editors, mahilig magreklamo. Maraming bawal itanong o kaya kailangang dadaan sa manager ang questions. L Feeling sikat ang manager.”

Nagtaka kami dahil ang alam namin ay mabait ang kilalang aktor at kapag may mga presscon para sa mga pelikula niya ay game naman siyang sumagot sa lahat ng tanong at hindi naman hinaharang ng manager niya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Open kasi ‘yun, so walang magagawa ang manager niya kasi utos naman ng producer na sumagot sa lahat ng tanong,” katwiran sa amin.

Hindi namin tsika ang manager ng kilalang aktor pero may mga naririnig naman kaming mabait bagamat may mga nagsasabi namang hindi.

Mabuti na lang at hindi namin gaanong naiinterbyu ang kilalang aktor dahil baka kung anu-ano ang itanong namin, biglang tawagan ng manager ang patnugot namin dito sa Balita he-he-he.

(Hala! Parang ang tatay ni _____? Hayan, naging dalawa tuloy ang blind item! --Editor.)

Anyway, ang kilalang aktor ay marunong namang umarte at in fairness, mabait siya, pero nakapagtataka na hindi masyadong sikat na sikat tulad ng mga nakasabayan niya noong hindi pa siya lumilipat ng TV network.