Ni NITZ MIRALLES

NAG-GUEST si Regine Velasquez sa Sunday Pinasaya para i-promote ang 3 Stars, 1 Heart concert nila nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista sa CSI Stadia sa Dagupan City sa April 14. Nag-duet sila ni Julie Anne ng Secret Love Song na ang ganda-ganda nang pagkakanta ng dalawa.

julie

Pagkatapos ng duet, na-interview si Regine at inulit ang sinabi sa presscon ng concert na mahusay na performer, hindi lang singer, si Julie Anne.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Julie is so good. She is a fantastic performer, sobrang ang galing niyang kumanta. I am very impressed. I feel very proud,” sabi ni Regine.

Medyo nahiya si Julie dahil hindi nga ‘yun ang first time na nagpahayag ng paghanga sa kanya si Regine na idolo, tinitingala at inspirasyon niya. Nabanggit pa nga ni Julie Anne na bata pa lang siya, pinapanood na niya si Regine, ‘tapos heto, puring-puri siya.

Bukod sa mga papuri, may payo rin si Regine kay Julie at pati na kay Christian kung gusto ng dalawa na magtagal pa sa industriya.

“Para ma-maintain nila ang kanilang career, they should keep doing concerts para maging visible sila dahil ‘pag huminto ka, hihinto rin sa pagsuporta sa ‘yo ang tao. So, continue singing, maliit man o malaking concert. Ako nga, nag-bar tour pa, pinatulan ko lahat just because I want to keep singing.”

Pinayuhan din ni Regine si Julie na kahit anong genre ay kantahin niya, at ginagawa na niya ito.

“Tina-try ko ang R&B and hopefully, ma-try ko ang classical. Susundin ko ang advise ni Ate Regine, to try other genre at gusto ko ring makuha at gayahin sa kanya ang pagiging professional at pagiging humble,” wika ni Julie Anne.

Busy ang schedule ni Julie Anne dahil bukod sa paghahanda sa concert, may Sunday Pinasaya pa siya at may taping ng Pepito Manaloto at ang morning series na My Guitar Princess na malapit na ang airing.

Dahil busy rin sa shooting ng pelikula ang boyfriend na si Benjamin Alves, hindi sila nagkita at nakapag-celebrate sa birthday ng aktor. Sa Instagram niya binati ang aktor sa birthday nito noong March 31, dahil hindi sila nagkasama.

“Though there are depths of space and land between us at this moment, this simply goes beyond the stars: may your heart be filled with bliss and I wish that all your heart’s desires do come true. Happy birthday love,” birthday message ni Julie kay Benjamin.

Nagkakaintindihan sila na priority ang trabaho nila.

“We made it a point na lang na may communication kaming dalawa kahit hindi kami nagkikita. One week din kaming hindi nagkita at sa birthday pa niya,” kuwento ni Julie Anne.