Ni REGGEE BONOAN

GUSTO naming isiping naguguni-gunita lang ng aktres ang nagdaan na masasayang araw nila ng nakarelasyong aktor na pulitiko na ngayon dahil sa tuwing nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend ay kumikislap-kislap pa rin ang mga mata niya.

Pareho nang may pananagutan sa buhay ang aktres at ang aktor/pulitiko ngayon, hindi lang malinaw sa amin ay kung okay sila dahil walang balita kung nagtatagpo pa ang landas nila sa showbiz events.

Sa isang event kasi ay napag-usapan ang aktor/pulitiko na nang marinig ng aktres ay napangiti at sabay kuwento na mabait na tao raw iyon sabay segue tungkol sa mga nakaraan nila.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

In fairness, may nagtanong naman kasi kung bakit hindi sila nagkatuluyan.

“Bata pa kasi ako noon,” kumukuti-kutitap ang mga matang sagot ng aktres, “at binubuhay ko pa ang pamilya ko, ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Kung mag-aasawa na ako, paano naman sila, eh, di habambuhay kong dala-dala na hindi ko sila tinulungan at inuna ko ang sarili ko.

“Sa ngayon, masaya naman ako kasi maski hindi naging kami okay ang buhay ng pamilya ko at okay din naman na ako ngayon.”

May pabirong nagtanong kung ang aktor/pulitiko ba ang ‘the one that got away’. Hayun, tila kinilig ang aktres sabay tawa.

Binalak pagsamahin sa isang movie project ang aktres at aktor/pulitiko pero hindi pumuwede ang schedule ng huli na sobrang hectic sa rami ng mga problemang kinakaharap ng nasasakupan nitong lungsod.

Birong sabi nga ng aktres, “Sana binanggit ninyong ako ang kasama, tiyak tatanggapin niya.”

Nagkatawanan ang lahat.

Bagamat biro iyon ay half-meant naman, di ba, Bossing DMB? Hmmm, hindi nga kaya may pagsintang purorot pa rin ang aktres sa aktor/pulitiko?

(In fairness, may kahirapan itong blind item mo, ha? ‘Di ko mahulaan, Reggee. --DMB)