Ni REGGEE BONOAN

HINDI kaya nanghinayang si Alessandra de Rossi na tumanggi siyang mag-audition para sa pelikulang Citizen Jake na pinagbibidahan ni Atom Araullo sa direksiyon ni Mike de Leon?

MAX AT ATOM copy

Ang papel sana ni Alessandra ay ang karakter ni Max Collins bilang si Mandy, English teacher sa isang school sa Baguio at kasintahan ni Jake (Atom).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mahaba ang exposure sa Citizen Jake ni Max na pinupuri sa bagong pagganap na hindi dating napapanood sa mga ginagawa niya. Kung si Alessandra ang gumanap ay tiyak na mapapansin din siya dahil kilala naman ng lahat ang kaya niyang ibigay.

Pero ang sabi naman sa amin, “Okay na rin kay Max napunta ang karakter na Mandy kasi fresh at iyon din naman ang gusto ni Direk Mike, bago.”

Sadyang hindi para kay Alessandra ang pelikulang Citizen Jake dahil marami siyang offers na hindi niya nahindian noong panahong may audition ang pelikula.

Isa na nga ang seryeng Since I Found You ng Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa Abril 16 kapalit ng The Good Son.

Makakasama ni Alessandra sina Arci Munoz, Empoy Marquez, JC de Vera at Piolo Pascual mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.