Ni Nitz Miralles

FAKE news ang nai-post sa Facebook na namatay ang isa sa mga bida ng Kambal Karibal na si Kyline Alcantara.

KYLINE

Namatay daw noong April 2 si Kyline dahil sa car accident. Minamaneho raw niya ang kotse nang mabangga sa may Abad Santos St., Manila.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang fans ni Kyline ang unang umalma at ini-report ang Facebook user na nagpakalat ng fake news. Walang katotohanan ang balita at sa sinabi pa lang na “nagmamaneho” ay mali na dahil bukod sa hindi pa marunong mag-drive ay 15 years old pa lang si Kyline na wala pang kahit student’s driver license.

Ang pinatay sa fake news ay busy sa taping ng Kambal Karibal na balita namin ay extended uli hanggang May, kaya matagal-tagal pang mapapanood. Marami pa ang pupuntahan ng istorya nito at mabibitin ang sumusubaybay kung mamadaliing tapusin.

Anyway, may fans sina Kyline at Jeric Gozales na umalma na si Jake Vargas ang magiging love interest ni Kyline sa Kambal Karibal. Okay na raw sa kanila si Jeric, kaya bakit bigla pang ipinasok si Jake.

Nakakaaliw ang punto ng fans na hindi pabor na si Jake ang makakapareha ni Kyline, maliit daw ito at higit sa lahat ay malaki ang agwat ng edad sa young actress. Pero sigurado namang may rason ang production kung bakit si Jake ang ipapareha kay Kyline at hindi mag-i-stick kay Jeric.

Hi ndi ma i k a k a i l a n g nakilala si Kylie dahil sa Kambal Karibal at isa sa patunay ang huge crowd sa mall shows niya. Kaya niyang mag-mall show ng solo dahil singer at dancer din siya. Nire-request ng mga namamahala ng malls na mag-mall show siya at ‘pag may free time, pumapayag para makita siya ng fans.

Isa pang blessing kay Kyline, napasama siya sa list ng 100 Most Beautiful Stars ng Yes magazine. Nag-pictorial na siya, kaya tuwang-tuwa ang bagets.