Ni Marivic Awitan

TULUYANG iniwan ni Ricci Rivero ang kanyang dating koponan at eskuwelahan na De La Salle University.

Mismong si Rivero ang nag-anunsiyo ng kanyang pag-alis sa DLSU sa pamamagitan ng kanyang social media account sa Twitter.

“All good things come to an end.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Thank You to the La Sallian community for the support you’ve given me. The Animo spirit will always be with me.

It’s now time to move forward,” nakasaad sa tweet ni Rivero.

Tinapos ng nasabing pahayag ni Rivero ang sari-saring espekulasyon kasunod ng naunang deklarasyon ng kanilang kontrobersiyal na “leave of absence” ng kapatid niyang si Prince, at teammate na si Brent Paraiso noong nakaraang Pebrero kasunod ng desisyon ni Ben Mbala na hindi na lumaro sa kanyang last year sa UAAP at paglipat ng kanilang coach na si Aldin Ayo sa University of Santo Tomas.

Base sa pahayag ng De La Salle’ Office of Sports Development , nag leave ang tatlo upang bigyang daan ang kanilang mga commitments sa kanilang mga endorsement.

Ngunit, mas lalong naging kontrobersiyal ang kanilang estado nang magpahayag mismo si Rivero at Paraiso sa kani-kanilang social media accounts noong nakaraang buwan na walang katotohanan ang usap-usapang sinuspinde sila sa team matapos mapatunayang umano na positibo sa paggamit ng illegal substance.

Nakapagtala ng averages na 14.1 puntos, 5.3 rebounds, 2.2 assists, at 1.5 steals sa kanyang sophomore year na naging daan upang mapili siya bilang Most Improved Player at miyembro ng Mythical Team sa nakaraang Season 80 mens basketball tournament.

Samantala, wala pang pahayag kung kasama niyang aalis ng DLSU ang kanyang kapatid at si Paraiso.