Laro Ngayon

(Game 5, best-of-seven)

(MOA Arena)

7:00 ng. -- San Miguel Beer vs. Magnolia

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TULOY na ba ang tagayan para sa selebrasyon San Miguel Beer o mamamapak muna ng pulutan dahil aantalain pa sila ng Magnolia ngayong gabi sa Game 5 ng best-of-7 finals series ng 2018 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Taglay ang 3-1 bentahe kasunod ng kanilang tatlong sunod na panalo matapos mabigo sa opener ng serye, isang panalo na lamang ang kailangan ng Beermen upang ganap na muling makapagtala ng kasaysayan bilang unang koponan sa liga na nagwagi ng apat na sunod na All-Filipino o Philippine Cup title.

Para sa reigning Coach of the Year na si Leo Austria, naniniwala syang abot-kamay na lamang nila ang titulo at tiyak na gagawin ng kanyang mga manlalaro ang lahat para di na ito makawala pa kahit sa likod ng isip nya ay hindi naman basta magbibigay na lamang ang Magnolia.

“Alam naman natin na ang isang tao, kapag nasasaktan, ilalabas lahat ng makakaya. I’m sure they will work really hard for next game but they only have one day to prepare. It’s really hard but they will try because this is an opportunity for them to redeem themselves,” ani Austria.

“But we’re smelling the championship and I’m sure my players will be different players come Friday’s game. I hope ma-sustain namin ang energy namin and ang pagnanasa namin na makuha ang fourth championship. But it’s very far from over because Magnolia is a team to beat, a contender, and they showed it tonight,” sambit ni Austria.

Dulot na rin marahil ng hirap na dinaanan nila sa Game 4 bago nakuha ang panalo, gusto namang makasiguro ni 6-time Best Player of the Conference winner at reigning 4-time MVP Junemar Fajardo kaya gusto nitong bigay-todo pa rin sila sa susunod na laro.

“Wala malayo pa yan,” ani Fajardo, na nagtala ng average na 20.0 puntos at 15.25 rebounds sa unang apat na laro ng serye. “Hindi naman ganun kadali gi-give up yung [Magnolia], ta-try pa rin nila yan. Kami rin ta-try namin na tapusin na sa Friday.”

“Kailangan ready kami. Marami din kaming adjustments na gagawin. Kailangan namin ‘wag maging kampante.Kailangan go hard pa rin kami para makuha yung panalo,” ayon pa kay Fajardo.

Sa kabilang dako, sa gitna ng nalasap na pait ng isa na namang kabiguan, pinanghahawakan pa rin ng Hotshots ang pag-asa na hindi pa tapos ang laban at nandun pa rin ang kanilang tsansa.

“Masakit lang pero iyon nga yung gusto namin e. Yung ganung laro. Kwan lang kami, natalo kami sa laro ,pero hindi pa naman tapos yung series. Positive lang kami. Kasi kapag ganun yung laro, may chance kami sa huli, basta dikitan talaga, may chance kami.,” pahayag ng isa sa mga beteranong player ng Hotshots na si Mark Barroca,.

“Sabi nga ni coach kung magdu-dwelll ka, magmumukmok ka. Huwag na lang kaming pumunta sa Friday, ibigay na lang namin sa kanila.

“Pero nasa kamay pa rin namin eh, trabaho pa rin, bahala na kung anong mangyari. Basta yung best pa rin namin.

Masaya kami kasi lumabas na yung laro namin, kaya naman kapag ganitong laro. Hindi namin kaya yung laro nilang 100 points pataas, hindi kaya,” pahabol pa ni Barroca