NGAYONG Abril, hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang tatlong independently produced films sa Cine Lokal na ipapalabas sa walong SM Cinemas. Ang mga ito ay kuwento ng realidad at mga problemang pinagdadaanan ng mga taong gusto lamang makaangat sa buhay sa kabila ng kanilang kaibahan sa lipunan.

Palabas ngayong Biyernes, Abril 6 ang Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko (Those Long Haired Nights) ni Gerardo Calagui na naipalabas sa international film festivals tulad ng Busan International Film Festival, Thessaloniki International Film Festival, at International Film Festival Rotterdam. Tampok dito sina Rocky Salumbides, Anthony Falcon, Matt Daclan at Mon Confiado. Tungkol ito sa tatlong magkakaibigang transgenders na nagtatrabaho sa red light district ng Maynila, mga masahistang nagbibigay ng “extra service” sa kanilang mga kliyente upang mabuhay.

Sa susunod na Biyernes naman mapapanood ang Bhoy Intsik ni Joel Lamangan na naging finalist ng Sinag Maynila Independent Film Festival 2017 at nanalo ng Sinag Box Office Award. Tampok dito sina RS Francisco, Ronwaldo Martin, Jeric Raval, Elora Espano, Mon Confiado at Tony Mabesa. Tungkol ito sa dalawang small time criminals: isang matapang at maprinsipyong bading at isang maabilidad na binata. Sabay silang maiipit sa mga mapansamantalang sitwasyon habang sinusubukang maging malapit sa isa’t isa.

Ang huling pelikulang ipapalabas ngayong buwan ay ang sci-fi film na Throwback Today ni Joseph Teoxon, tampok sina Carlo Aquino, Annicka Dolonuis, Kat Galang, Benj Manalo at Empress Schuck. Tungkol ito kay Primo na gifted pagdating sa production design na determinadong magtagumpay pero hindi pa sanay sa mga pait ng buhay. Isang araw, magkakaroon ng technical glitch ang kanyang lumang computer na bibigyan siya ng pagkakataong i-rewrite ang kanyang buhay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Huwag palampasin ang mga pelikulang ito sa mga sumusunod na araw at oras sa SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall and SM Bacoor:

Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko directed by Gerardo Calagui, Abril 6, 1:00 PM, 3:30 PM, 6:00 PM at 8:30 PM

Bhoy Intsik directed by Joel Lamangan, Abril 13, 1:00 PM, 3:30 PM, 6:00 PM at 8:30 PM

Throwback Today directed by Joseph Teoxon, Abril 20, 1:00 PM, 3:30 PM, 6:00 PM, at 8:30 PM