WASHINGTON (AFP) – Tumaas ang global consumption ng antibiotics simula 2000, na nagbunsod ng mga panawagan na rendahan ang paggamit nito – at pinatindi ang mga pangamba na hindi na makokontrol ang drug-resistant superbugs, pahayag ng mga mananaliksik.

Ipinakikita sa pag-aaral sa Proceedings of the National Academy of Sciences (PNAS) – ibinatay sa sales data sa 76 na bansa – na tumaas ang pagkonsumo sa antibiotics ng 65 porsiyento mula 2000 hanggang 2015, lalo na sa mahihirap na bansa.

Sinabi ng research team sa pamumuno ng scientists mula sa Johns Hopkins University sa Baltimore at sa Center for Disease Dynamics, Economics and Policy sa Washington na kailangang mamuhunan ang mga bansa sa alternative treatments, sanitation at vaccination.

“With antibiotic consumption increasing worldwide, the challenge posed by antibiotic resistance is likely to get worse,” sabi ng mga may-akda ng pag-aaral, na inilathala sa PNAS nitong Lunes.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Antibiotic resistance, driven by antibiotic consumption, is a growing global health threat,” ayon dito.

“As with climate change, there may be an unknown tipping point, and this could herald a future without effective antibiotics.”