Ni Franco G. Regala

ANGELES CITY, Pampanga - Naaresto ng pulisya ang dalawang menor de edad sa anti-drug operations sa Barangay San Nicolas, Angeles City, Pampanga, nitong Linggo ng madaling-araw.

Ipinahayag ni Angeles City Police director, Senior Supt. Enrico Vargas, na ang dalawang suspek ay parehong 15 anyos at nasa kustodiya na ng pulisya.

Probinsya

Dalaga sa Iligan City, nawawala; ‘manipulative boyfriend,’ pinaratangang sangkot

Matapos aniyang makumpirmang nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang mga binatilyo ay naglatag na ng buy-bust operation ang pulisya na ikinaaresto ng dalawa.

Nasamsam umano sa dalawa ang 19 na plastic sachet ng shabu.