MULING susungkit ng regional crown ang batambata at walang talong si Carl Jammes Martin na kakasa kay Tanzanian super flyweight champion Hashimu Zuberi para sa bakanteng WBO Asia Pacific Youth bantamweight title sa Abril 28 sa Lagawe Central School Open Gym sa Lagawe, Ifugao.

Sa edad na 18, unang naisuot ni Martin ang interim WBC ABC Continental bantamweight belt nang patulugin niya ang beteranong si Chatpayak Sithkopon ng Thailand noong Disyembre 23, 2017 sa DepEd Gymnasium, Lagawe, Ifugao.

Natalo si Zuberi nang hamunin noong nakaraang taon si Aussie boxer Andrew Moloney para sa WBA Oceania at bakanteng Commonweltah super flyweight titles sa Melbourne, Australia pero kaagad nakarekober nang patulugin ang kababayang si Iddi Mponda sa Manzese, Tanzania.

May rekord si Zuberi na 14-2-0 win-loss-draw na may 4 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Martin na may perpektong 7 panalo, 6 sa knockouts. - Gilbert Espeña

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!