Ni Nitz Miralles

NAIKUWENTO nina Dennis Trillo at Jason Abalos na magkasama sa The One That Got Away ang nakasanayan nilang tradisyon tuwing Mahal na Araw.

Jason-Abalos copy

Dati nang nagbi-Visita Iglesia si Dennis at naging hilig din niyang kumuha ng litrato ng iba’t ibang simbahan.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Na-experience ko ng mag-Visita Iglesia at bumisita sa iba’t ibang simbahan. Masaya dahil ganyan talaga ang kultura nating mga Pilipino,” sabi ni Dennis.

Umuuwi naman sa hometown niya sa Nueva Ecija si Jason para makiisa sa iba’t ibang activities sa kanilang bayan tuwing Holy Week. Kuwento niya, bata pa lang siya ay mahilig na siyang sumali sa mga prusisyon at mga pabasa.

“Ako kasi ‘pag Holy Week talagang umuuwi ako sa probinsiya. Sama-sama kaming pamilya. Nagpuprusisyon kami at sumasali sa mga pabasa. Nu’ng bata ako mahilig akong kumanta sa mga ganyan,” kuwento ni Jason.

Samantala, tigil muna sina Dennis at Lovi Poe sa taping ng TOTGA ng ilang araw. Lilipad sila sa Apri 5, kasama sina Jennylyn Mercado, Alden Richards, Betong Sumaya at Dingdong Dantes para sa Sikat Ka Kapuso show sa New Jersey (Abril 7) at sa Toronto (Abril 8). Masaya ang shippers ng love team ng dalawa sa TOTGA dahil magkasama sina Liam (Dennis) at Alex (Lovi).