Ni Gilbert Espeña

MATAPOS tanggihan na kasahan ni Puerto Rican Janiel Rivera, pumayag si two-time world title challenger Gabriel Mendoza ng Colombia na harapin si dating Philippine amateur champion Mark Anthony Barriga sa IBF minimumweight title eliminator sa Mayo 12 sa Solaire Resort Hotel & Casino sa Pasay City.

Ang magwawagi sa walang talong si Barriga at Mendoza ang hahamon kay IBF mimimumweight champion Hiroto Kyoguchi ng Japan. Nakalista si Barriga na No. 3 contender pero walang No. 1 at 2 bilang challengers kay Kyoguchi samantalang ranked No. 7 naman ang knockout artist na si Mendoza.

Natalo si Mendoza sa pagtatangkang maging world champion nang mapatigil siya sa 7th round ni dating Mexican IBF minimumweight titlist Jose Argumedo noong Mayo 27, 2017 sa sagupaan sa Monterey, Mexico.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakalista rin si Barriga na No. 5 sa WBO at No. 14 sa WBA samantalang nakatala si Mendoza na No. 10 sa WBO kaya inaasahang magiging pukpukan ang kanilang sagupaan.

May perpektong rekord si Barriga na 8 panalo, 1 lamang sa pamamagitan ng knockout samantalang si Mendoza ay may kartadang 29-5-2 na may 23 pagwawagi sa knockouts.