Ni NORA CALDERON

EXCITED na ang fans sa This 15 Me concert ni Sarah Geronimo na gaganapin sa April 14 sa Smart Araneta Coliseum.

SARAH copy

Bakit nga naman hindi, for the first time ay makakasamang mag-perform ni Sarah ang leading heartthrobs na bansa na sina Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla at James Reid. Na-miss na rin kasi ng fans si Sarah na five years ago pa ang huling major concert. This time she will celebrate her 15 years in show business, to be directed by Paul Basinillo, with Teacher Georcelle as dance director and Louie Ocampo as musical director.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Available ang tickets ng This 15 Me priced at VIP P4770; Patron, P3710; Lower Box Premium P 2968; Lower Box Regular P2120; Upper Box P1272; and General Admission P424, sa Ticketnet.

Produced by Viva Live, muling itatanghal ang talents ni Sarah as singer, actress at ang pagiging number one lagi sa mga concerts niya for the last 15 years, since 2003 after manalo siya sa Star for A Night singing contest.

Pero may mga nagtatanong din kung bakit hindi kasama sa special guests ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Sa kabila ng pagiging busy sa paghahanda para sa kanyang coming concert, nagsu-shooting din si Sarah ng bago niyang pelikula na follow-up sa I Finally Found Someone niya last year with John Lloyd Cruz, ang Miss Granny katambal sina James Reid at Xian Lim under Direk Joyce Bernal.

Tinatapos na rin ni Sarah ang bago niyang album, after three years simula nang ilabas ang kanyang huling Great Unknown. Out na ngayon at available online ang kanyang latest single na Sandata.