Ni Gilbert Espeña

Pinatunayan ni Filipino boxer Reymart “GenSan Assassin” Gaballo na hindi biro ang kanyang perpektong rekord na 19 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts, nang talunin niya sa 12-round unanimous decision si 4tn ranked at dating walang talong si Stephon Young ng United States para matano ang bakanteng WBA interim bantamweight title kamakalawa ng gabi sa Hard Rock Event Center at Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.

Muntik mapatulog ni Gaballo sa 3rd round si Young at dinominahan niya ito sa kabuuan ng laban upang manalo sa mga iskor na 118-109, 117-110 at 117-110. Bumgsak ang kartada ni Young sa 17-1-3 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Sa pagwawagi, inaasahang para sa full title na ang kanyang susunod na laban kay WBA bantamweight super titlist Ryan Burnet ng United Kingdom o sa magwawagi kina Briton WBA regular champion Jamie McDonnel at two-division titlist Naoya Inoue na magsasagupa sa Mayo 26, 2018 sa Ota City, Japan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Malaki ang ipinagbago sa estilo ni Gaballo mula nang sanayin ng Cuban trainer Moro Fernandez kasama ang ilan pang ka-stable sa Sanman Promotions mula sa South Cotabato.

Minalas naman si unranked Filipino Mike Plania na natalo sa puntos kay dating WBA super bantamweight champion kaya hindi naiuwi ang NABO super bantamweight belt.

“Former WBA World Super Bantamweight Champion Juan Carlos Payano survived a real scare against ‘Magic’ Mike Plania in their 10-round brawl for the NABO Super Bantamweight Championship,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

“After a strong first couple rounds, Plania, now 14-1, 7 KOs, had Payano down and badly hurt near the end of round three,” dagdag sa ulat. “Payano, however, was saved by the bell and managed to survive and mounted a counterattack in a second half. The scores were 96-93, 97-92, 97-92 all for Payano.”

Napaganda ni Payano na mula sa Dominican Republic ang kanyang rekord sa 20 panalo, 1 talo na may 9 knockouts at inaasahang mapapalaban sa world title bout.