Ni Marivic Awitan

NANGUNA sina Barangay Ginebra guard Scottie Thompson at reigning league MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa botohan para sa idaraos na PBA All-Star.

Ang 3rd year guard ang naging topnotcher matapos makakuha ng kabuuang 33,068 boto. At dahil tubong Mindanao, siya ang mangunguna sa Mindanao Selection ng All Star.

Pumangalawa naman ang 6-foot-10 slotman ng Beermen na nakakuha ng kabuuang 32,135 upang mamuno sa Visayas team.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang All-Star Week ay gaganapin sa Mayo 23-27 sa Davao del Sur, Batangas, at Iloilo. Nakatakdang lumaro dito ang Gilas Pilipinas kontra sa mga selection na kumakatawan sa tatlong kapuluan ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Kasunod nina Thompson at Fajardo na nakakuha ng botong mahigit 30,000 ay sina Mark Barroca ng Magnolia Pambansang Manok at Rain or Shine hotshot James Yap.

Si Barroca na kasama sa Mindanao team ni Thompson ay nakakuha ng 31,810, boto habang si Yap na makakasama sa Visayas team ni Fajardo ay may nakuhang 30,203 boto.

Sina Ginebra forward Japeth Aguilar at Calvin Abueva ng Alaska ang mangunguna sa Luzon selection matapos makatipon ng botong 23,348 at 18,655 ayon sa pagkakasunod.

Kasunod naman nila bilang starters ng Luzon team sina Ginebra guard LA Tenorio (14,381,) Magnolia guard Paul Lee (14,095). at Hotshots forward Marc Pingris (14,019).

Kasama naman sa starting line-up ng Mindanao Team sina Magnolia teammates Jio Jalalon (26,850) at Peter June Simon (26,754), at Blackwater sophomore big man Mac Belo (21,732).

Kukumpleto naman sa Visayas selection sina NLEX rookie guard Kiefer Ravena (27,642),Ginebra big man Greg Slaughter (21,016), at Globalport’s Terrence Romeo (20,720).

Si Ravena ang nag-iisang rookie na napasama sa starting line-up ng All-Star selections.

Samantala ang mga kukumpleto sa Top 10 ng Luzon, Visayas, at Mindanao selections ay ang mga sumusunod:

Luzon – Jayson Castro (12,871), Mark Caguioa (11,601), Marcio Lassiter (11,265), Alex Cabagnot (10,675), and Arwind Santos (9,666).

Visayas – Joe Devance (18,009), Roger Pogoy (13,908), Jeff Chan (13,472), Chris Ross (12,468), and Aldrech Ramois (9,123)

Mindanao – Cyrus Baguio (15,583), Jaypee Erram (15,161), Rafi Reavis (14,831), Baser Amer (14,340), and Sonny Thoss (11,577).