Ni NITZ MIRALLES

LUMUTANG ang usap-usapang break na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil in-unfollow ng aktres ang aktor sa Instagram (IG).

Gerald at Pia copy

Nang aming i-check, sa nakasulat sa mga pina-follow ni Bea sa IG ang “No users found” sa ilalim ng pangalan ni Gerald at may “X” sign pang nakalagay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Deleted na rin sa IG ni Bea ang photos nila ni Gerald at pati ang poster ng My Perfect You movie nina Gerald at Pia Wurtzbach na ipinost ng dalaga para i-promote sa kanyang followers.

Nakadagdag sa paniniwala ng fans nina Gerald at Bea na kung hindi man break ay may problema sa kanilang relasyon dahil sa post ng isang kaibigan ni Bea ng quotation card na, “Bakit hindi na lang magkatuluyan ang mga TAPAT at SERYOSO at hayaang maglokohan ang mga MALALANDI at BABAERO?

Big words ang post na ito ng friend ni Bea at puno ng mga kahulugan at hindi natin malalaman ang ibig sabihin dahil kilalang hindi nagsasalita tungkol sa personal na buhay ang dalawa, lalo na si Bea.

Kasunod ng balitang hiwalayan ang tsikang baka si Pia ang rason ng diumano’y break-up nina Gerald at Bea dahil in-unfollow din siya ni Bea sa IG. Tulad din sa status ni Gerald, “No users found” din sa ilalim ng pangalan ni Pia at may “X” sign sa pangalan nito.

Sa IG ni Bea, nabasa namin ang comforting messages ng kanyang fans na pinapayuhan siya to be strong at sa susunod na siya’y magmahal at magbo-boyfriend, siguraduhin niyang hindi babaero, loyal at faithful sa kanya.

Sa IG naman ni Gerald, pinapayuhan siyang ayusin ang problema nila ni Bea, mag-usap silang dalawa at huwag hayaang masira ang kanilang relasyon.

Ang napansin namin, may fans din sina Bea at Gerald na hindi pabor sa kanilang relasyon. Mabuti raw ang nangyari para makahanap sila ng tamang mamahalin at makakasama sa kanilang buhay.

May kinalaman kaya rito ang pahayag ni Gerald na nasi-sepanx siya kay Pia na hindi na niya nakikita at nakakasama nang matapos ang shooting at promo nila ng My Perfect You?