MATAPOS ang matagumpay na kampanya sa Hanoi, Vietnam nakatutok ngayun si Mandaluyong top player Recarte Tiauson sa pinakamalaking torneo sa taong ito sa pandaigdigang kumpetisyun ang paglahok nya sa 25th Abu Dhabi International Chess Festival na gaganapin mula Agosto 6 hanggang 16, 2018 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

“Nagpapasalamat po ako kina Senator Manny Pacquiao, RingCentral Director Joey Lianko, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National PRO, ABC president Barangay Malamig chairman Marlon Manalo at Barangay Malamig kagawad Cynthia Caluya na tumutulong sa local at international chess campaign ko po,” sabi ni Recarte Tiauson, Technical Support Representative ng RingCentral, Shaw Boulevard, Mandaluyong na tumapos ng overall 3rd place sa HDBANK Cup International Open Chess Tournament nitong Marso 9 hanggang 16, 2018 na ginanap sa Army Hotel sa Hanoi, Vietnam.

Nitong Martes, Marso 20, 2018 ay nag courtesy call si Recarte Tiauson kasama si International Baptist College (Barangay Malamig) chess coach Alejandro Segales kina Barangay sa Pilipinas National PRO, ABC president Barangay Malamig chairman Marlon Manalo at Barangay Malamig kagawad Cynthia Caluya kaalinsabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng huli (Barangay Malamig kagawad Cynthia Caluya ).

Si Recarte Tiauson na tubong Talisay City, Negros Occidental na ipinagmamalaki ng Mandaluyong City ay naka iskeydul din na parangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa Abril 2, 2018 sa pangunguna ng butihing Mayor Carmelita “Menchie” Aguilar Abalos at dating Mayor Benjamin “Benhur” de Castro Abalos Jr.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!