Mga Laro Ngayon

(FEU Diliman pitch)

8 a.m. – UST vs AdU (Men)

2 p.m. – NU vs UE (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 p.m. – DLSU vs UP (Men)

TATLONG laro ang paparada para sa labanan sa nalalabing tatlong slots sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s football tournament ngayon sa FEU-Diliman pitch.

Haharapin ng De La Salle ang league-leading University of the Philippines ganap na 4 ng hapon, habang magtutuos ang National University at University of the East sa 2 ng hapon.

Liyamado naman ang University of Santo Tomas laban sa kulelat na Adamson University sa 8:00 ng umaga.

Tangan ng Green Archers at Growling Tigers ang ikatlo ang ikaapat na puwesto tangan ang 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nakabuntot naman ang Bulldogs at Red Warriors na may 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanatili namang malinis ang marka ng Fighting Maroons na may walong panalo at dalawang draw para unang makausad sa Final Four na may 26 puntos.

Nabigyan ng tsansa ang kampanya ng De La Salle sa semifinals nang manalo sa FEU, 1-0, nitong Linggo.

Target naman ng NU na makabawi sa 0-2 kabiguan sa UP, habang galing din ang UE sa 0-3 kabiguan sa maroons.