Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Sa ikatlong pagkakataon sa loob ng isang linggo, nagkasama ang dalawang pinakamatataas na opisyal ng bansa, sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo, para sa graduation ceremony ng Batch 2018 ng Philippine National Police Academy (PNPA) kahapon.

Kapwa dumalo ang dalawa sa Commencement Exercises ng Bachelor of Science on Public Safety (BSPS) “Maragtas” Class of 2018 ng PNPA sa Silang, Cavite.

Sa kanyang speech na tumutukoy kay Robredo, sinabi ni Duterte na umaasa siyang magkaroon pa ng mas maraming graduation ceremonies upang mas madalas silang magkasama.

National

PBBM namahagi ng P100M ayuda; umaasang makabangon agad ang Bicol

“Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, this is the third time I have greeted you, my lady...Sana po may graduation pang iba para magkita pa rin tayo. I love to see my Vice President,” sabi ni Duterte, na umani ng halakhakan ng mga nanonood.

Nagbiro rin ang Pangulo na magkakaroon ang Pilipinas ng magandang presidente sakaling magpasya si Robredo na kumandidato sa susunod na presidential polls, at manalo ito.

“Matanda na kami. Ako, after three years aalis na ako. I don’t know who would be the next president, but certainly, matanda na ‘yan (iba pang kakandidato). But if the Vice President wins, you will have a beautiful and a young president in this country,” sabi ni Duterte, tinukoy si Robredo.

Unang nagkasama sina Duterte at Robredo ngayong taon sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) “Alab-Tala” Class of 2018 sa Baguio City nitong Linggo.

Nitong Martes, nagkasama rin ang dalawa sa entablado para sa selebrasyon ng ika-121 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.