Ni PNA

IKINOKONSIDERA ng Department of Health (DoH) ang pagbabago sa kasalukuyang paraan sa ‘di magandang pangyayari kasunod ng immunizations (AEFI) sa mga batang tinurukan ng Dengvaxia dengue vaccine.

“There will be modification or revision of the AEFI protocols because, in fact, for the ordinary vaccines, the AEFI period (usually) covers only for 30 days,” sabi ni DoH Secretary Francisco Duque III sa isang press conference sa UST Hospital sa Maynila.

Dahil ang pagmo-monitor sa kahit anong posibleng reaksiyon sa mga naturukan ng Dengvaxia ay aabutin ng ilang taon o ng hanggang limang taon, sinabi ni Duque na mahalagang ang pagmo-monitor ng mga ‘di magagandang pangyayari ay dapat na pagtagpi-tagpiin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“But this time, it is going to be beyond 30 days. It will be five years because we need to assess and monitor whatever adverse reactions are manifested on student vaccinees from the time the immunization was done which was on April 2016,” aniya.

Sinabi niya na dahil ang Dengvaxia ay bagong bakuna, kinakailangan pa ring magbantay sa panahong iyon.

“We have to watch out because, remember, this a new vaccine. There has been no experience at a sub national level or anything like this (before). So this is a class of its own. So, since it is a new vaccine, sky is the limit when it comes to possibilities,” ayon sa DoH chief.

Sa ilalim ng plano, bubuo ang DoH ng technical working group (TWG) na susuri sa mga rekomendasyong ipinagkaloob ng mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) sa pangunguna ni Scott Halstead, kilalang eksperto sa mundo pagdating sa dengue.

“We have a TWG. We just have to reflect upon the recommendations of the WHO-arranged meeting with the technical panel,” sabi ni Duque.

Ipinagkaloob ang mga rekomendasyon matapos ipadala sa bansa ang mga eksperto upang gabayan ang mga lokal na espesyalista sa bansa at ang mga DoH program managers upang paunlarin at paghusayin ang mga paraan para sa Dengvaxia AEFI.

Nanatili ang mga eksperto sa loob ng limang araw at inalalayan sa pagtukoy sa fatal at non fatal adverse events na makatutulong sa mas maayos na surveillance system.