Ni Mary Ann Santiago
Handang-handa na ang unang batch na magtatapos sa K to 12 program na lumahok sa labor force.
Partikular na tinukoy ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali ang mga magsisipagtapos sa ilalim ng technical-vocational-livelihood (TVL) track, o ang grupo na wala nang plano pang magpatuloy ng kolehiyo.
“Of course, all of them, we say they should be qualified,” aniya pa.
Kumpiyansa si Umali na handa na sa kanilang napiling larangan ang K to 12 graduates dahil kasama na sa kanilang curriculum ang work-related immersion na 80 hanggang 300 oras.
Ngayong Abril ay magsisipagtapos ang unang batch ng mga mag-aaral na kumuha ng K to 12 program na sinimulang ipatupad noong panahon ng administrasyong Aquino.