ROME (AP) — Humiling ng kapatawaran si Pope Francis nitong Lunes para sa lahat ng Kristiyano na bumibili ng babae para makatalik, sinabi na ang mga lalaki na madalas kumuha ng prostitutes ay mga kriminal na may “sick mentality” na iniisip na nabuhay ang mga babae para pagsamantalahan.

“This isn’t making love. This is torturing a woman. Let’s not confuse the terms,” giit ni Francis.

Ito ang komento ng papa sa apat na oras na listening session kasama ang 300 kabataan na inimbitahan ng Vatican sa Rome ngayong linggo para tulungan ang simbahan na alamin ang inisip ng kabataan ngayon tungkol sa Simbahang Katoliko.

Hinimok ni Francis, masugid na nangangampanya laban sa human trafficking at modern-day sex slaves, ang kabataan na labanan ang trafficking at forced prostitution.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“This is one of the battles that I ask you young people to do, for the dignity of women,” aniya. Sinabi niya na ang forced prostitution ay nag-usbong mula sa “sick mentality” sa lipunan na iniisip na “women are to be exploited.”