Ni PNA

SINIMULAN na ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pakikipagtulungan sa lahat ng ahensiya ng gobyerno upang magkaroon ng maayos at pangkalahatang national branding upang ipakilala ang Pilipinas sa mundo hindi lang bilang isang tourist destination kundi bilang tahanan ng edukasyon, kultura, at pamumuhunan.

“The national branding of the Philippines will serve as center for the entire nation and it is the time that the country will be branded,” sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Sinabi ni Andanar na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi sa national branding matapos itong iprisinta sa huling pagpupulong ng Gabinete.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

Ipinaliwanag ng kalihim na ang bagong kampanya na ipakilala ang Pilipinas sa ibang bansa ay hiwalay sa kampanyang “It’s More Fun in the Philippines” ng Department of Tourism (DoT).

“Meaning this (proposed national branding) will not only promote tourism but we will promote our investment, education, our people and everything that we have here in the Philippines,” pahayag ni Andanar sa hiwalay na panayam ng DZBB.

Inihayag pa ng kalihim na lahat ng ahensiya ng gobyerno ay magiging bahagi ng malaking proyekto upang makabuo ng national branding na kapareho ng “Australia Unlimited” at “It’s Time for Africa.”

“This is good for our country if it will be pushed through. It is all encompassing because all departments are members, part of this national branding project,” sabi ni Andanar.

Aniya, masusi siyang nakikipag-ugnayan kay Tourism Secretary Wanda Teo upang makamit ang epektibong national branding material.

“This is the kind of brand that will promote the Philippines. But we have to work hard to achieve this,” giit nito.

Idinugtong pa ni Andanar na nais ng pamahalaan na lalong magamit ang media outlets sa ilalim ng PCOO upang isulong ang national branding campaign.