ISASAGAWA ang General Assembly ng Chess Arbiters Union of the Philippines (CAUP) sa Marso 25 na gaganapin sa CAUP Headquarters, Chess Room, Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS) katapat ng Q-Mart sa Cubao, Quezon City.

Isusulong din ang eleksiyon ng bagong Board of Directors sa nasabing petsa mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali.

Ang mga opisyales ng CAUP ay pinangunahan nina Chairman IA Generoso “Gene” Poliarco, President IA Ilann Perez, VP for Luzon Alexander Dinoy, VP for Visayas NM Wilfredo Neri, VP for Mindanao James Infiesto at secretary-general Alfredo Chay.

Inaasahan din ang pagdalo nina IA Elias Lao, IA Rolly Yutuc at NM Rudy Ibanez. Para sa dagdag detalye ay makipag-ugnayan kay secretary-general Alfredo Chay (0949-132-1661).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!