SAN FRANCISCO (Reuters) – Isang Uber self-driving car ang nakasagasa at nakapatay ng babae na tumatawid sa kalsada sa Arizona, sinabi ng pulisya nitong Lunes, ang unang pagkamatay na kinasasangkutan ng autonomous vehicle.

Dahil dito, sinuspendi ng ride services company ang North American tests ng self-driving vehicles nito, na kasalukayang isinasagawa sa Arizona, Pittsburgh at Toronto.

Ang tinatawag na robot cars, dinedebelop ng mga kumpanya kabilang na ang Uber, Alphabet Inc at General Motors Co, ay inaasahang malaki ang ibabawas sa bilang ng mga namamatay sa aksidente sa sasakyan at lilikha ng billion-dollar businesses. Ngunit ang aksidente nitong Lunes ay nagbigay-daan sa mga posibleng hamon ng promising technology sa pagharap ng mga sasakyan sa real-world situations na may kasamang mga tao.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Naglalakad si Elaine Herzberg, 49, sa Phoenix suburb ng Tempe dakong 10 p.m. MST Sunday (0400 GMT Monday) nang masagasaan siya ng Uber vehicle na tumatakbo sa bilis na 65 km per hour, ayon sa pulisya. Ang Volvo XC90 SUV nasa autonomous mode at mayroong operator sa likod ng manibela. Namatay siya kalaunan sa ospital.