UMABOT sa 600 kabataan mula sa 30 barangays sa dalawang munisipalidad ng Surigao ang nakiisa sa Bagtik Moserbisyo Children’s Games Festival- “Duwa Nan Batang Siargaonon” na pinangasiwaan ni Surigao del Norte First District Representative Francisco “Bingo” Matugas sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute.

TUG OF WAR! Masayang nakiisa ang mga batang kalahok sa Children’s Games na isinusulong ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ni Surigao del Norte First District Representative Francisco “Bingo” Matugas at Philippine Sports Institute nitong weekend sa Siargao, Surigao del Norte. (POCHOLLO ELEGINO/PSI)

TUG OF WAR! Masayang nakiisa ang mga batang kalahok sa Children’s Games na isinusulong ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ni Surigao del Norte First District Representative Francisco “Bingo” Matugas at Philippine Sports Institute nitong weekend sa Siargao, Surigao del Norte.
(POCHOLLO ELEGINO/PSI)

Iginiit ni Rep. Matugas sa mga kabataan ang kahalagahan ng sports at pagkakaroon ng malusog na pangangatawan na aniya’y mabisang panlaban para makaiwas sa masamang bisyo.

“The Children’s Games here is an initiative of Congressman Matugas and we are just observing to give inputs.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Hopefully the PSC can return here by September to conduct a Children’s Games for the entire Siargao,” pahayag ni PSI Mindanao coordinator Pochollo Elegino.

Kabilang sa mga larong kinagiliwan ng mga kalahok ang Suot Lusot, Karirang Takbo, Tug of War, Karirang Talong at Bingo Went to Town.

Sa edad na 10, ikinalugod ni Leah ang programa na aniya’t malaki ang maitutulong sa tula niyang kapos sa pasilidad.

‘Masayang masaya po ako. Salamat po at may ganitong programa. Sana po magtuloy-tuloy iyo,’ aniya.

Ang Children’s Games ang sentro ng programa na isinusulong ni Sc Chairman William “Butch” Ramirez.

Kinilala ang PSC-PSI’s Children’s Games ng Unesco dahil sa konsepto na napagkakaisa ang mga Indigenous People, Christians at Muslims sa pamamagitan ng sports.