Mula sa Entertainment Tonight
NAMATAY ang isang Cirque du Soleil aerialist performer nitong Sabado na nahulog habang nagtatanghal sa Tampa.
Nahulog si Yann Arnaud, isang 15 taong veteran ng surrealist circus, sa showing ng VOLTA, habang nagtatanghal sa pagpapalipat-lipat sa ere na kumakapit lamang sa mabibigat na tela, ayon sa pahayag ng Cirque du Soleil Entertainment Group. Ayon sa pahayag, isinugod sa ospital si Arnaud, ngunit binawian din ng buhay kinalaunan.
“The entire Cirque du Soleil family is in shock and devastated by this tragedy,” sabi ni Daniel Lamarre, president at CEO, sa isang pahayag sa Twitter. “Yann had been with us for over 15 years and was loved by all who had the chance to know him. Over the coming days and weeks, our focus will be on supporting Yann’s family and our employees, especially the VOLTA team, as we go through these difficult times together.”
Puno ang Instagram ni Arnaud ng mga larawan ng kapwa Cirque du Soleil performers at ng kaniyang asawa at anak na babae.
Nitong Sabado, ilang oras bago siya nagtanghal, nag-post siya sa Instagram tungkol sa kaniyang bagong straps routine.
“After so much work and training and staging, our straps duo act is finally in the show tonight. It’s time to go for it @pawel_walczewski,” lahad niya sa Instagram.