Ni REGGEE BONOAN

HALA, usap-usapan at pinagtatalunan kahit saan at naba-bash sa social media si Alyanna (ginagampanan ni Yassi Pressman) sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa pakikipagrelasyon sa boss niyang si Marco Cabrera (JC Santos).

Nakipaghiwalay na kasi si Alyanna sa asawang si Cardo Dalisay (Coco Martin) na hindi magagampanan ang obligasyon bilang asawa dahil sa pagtatanggol sa bayan bilang sundalong AWOL ng Special Action Force o SAF at napabilang na sa grupong Pulang Araw na pinamumunuan ni Romulo Dumaguit (Lito Lapid) at kabilang na rin si Brigadier General Diana Olegario (Angel Aquino).

Nang hiwalayan ni Alyanna si Cardo ay nakuha ng una ang simpatiya ng mga manonood dahil isa siyang ideal wife at ipinagtatanggol ang asawa sa lahat ng tumutuligsa.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Pero ngayon, hindi na gusto ng televiewers si Alyanna.

May post sa Facebook na nabasa namin ni Bossing DMB at ilang kasamahan sa trabaho:

“Saklap moment para kay Kuya Cardo. Si Alyana ‘yung klase ng babae na ‘di dapat panghinayangan, pagkatapos ng lahat, ng mga napagdaanan, bumitaw agad.

“Nakakita lang ng gwapo, kinalimutan na ang asawa niyang nasa malayo, ‘I love u too’ agad, aba matindi! Kahit anupaman ang sitwasyon, hangga’t mahal ka, at mahal n’yo ang isa’t isa, stay strong lang, walang iwanan.

“Pero dahil mahina siya, nag-give up na. Siya ‘yung klase ng babae na hindi nararapat sa mga nakauniporme.

-a soldier’s love.”

Nang i-re-post ito ni Bossing DMB ay naging trending agad ito sa Facebook at halos lahat ay kay Cardo na kumampi.

May mga below-the-belt pang komento tungkol kay Alyanna na hindi magandang isulat.

Ang nakatawag-pansin lang sa amin ay ang nasulat pang, “Anong nangyayari sa Probinsyano, naturingang nasa primetime at karamihan sa mga nanonood ay puro bata, pero ano ang napapanood, puro halikan nina Alyanna at Marco?” Sabay post din ng screenshot ng dalawa habang may kissing scene.

Sigurado kaming aware na ang ABS-CBN at Dreamscape Entertainment sa reaksiyon ng manonood tungkol kay Alyanna kaya naniniwala kami na magkakaroon ng twist sa umeereng kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Anyway, curious ang lahat kung patay na ba talaga si Don Emilio Syquia (Eddie Garcia) o nakaligtas na naman. May sa pusa ang buhay ng matandang ito.

Biro naman ng ilang katoto, “Rumaket muna si Manoy kasi may gagawin siyang dalawang indie film.”

Seryoso?