Ni Gilbert Espeña

HAHAMUNIN ni three-time world title challenger John Mark Apolinario ng Pilipinas ang matagal nang PABA super bantamweight champion na si Anurak Thisa sa Marso 30 sa Bangkok, Thailand.

Ito ang hinihintay na pagkakataon ni Apolinario para makabalik sa world rankings pero mababa ang kanyang knockout percentage bagamat beterano na siya ng malalaking laban tulad ng dalawang tabla kay dating world champion Roberto Vasquez sa mga sagupaan sa Colon, Entre Rios, Argentina at Panama City Panama noong 2013 para sa bakanteng WBA bantamweight title.

Natalo rin siya sa mga dating kampeong pandaigdig na sina Koki Kameda ng Japan, Herman Marquez at Luis Nery ng Mexico at kababayang sina Drian Francisco, Aston Palicte at Giemel Magramo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Minsan nang lumaban sa world title bout pero pinatulog siya sa 3rd round ni dating WBA super bantamweight titlist Nehomar Cermeno ng Venezuela noong 2016 sa Wenzhou, China.

May rekord si Thisa na 21 panalo, 1 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts samantalang si Apolinario ay may kartadang 19-11-3 na may 4 panalo lamang sa kncokouts.