Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Nasawi ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraang manlaban sa buy-bust operation ng pulisya sa Purok 7, Barangay Batung Norte, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang mga nasawi na sina Benjo Santiago, residente ng Bgy. D.S. Garcia’ at Randy Magtalas, alyas “Randy Mekaniko”, na nakatala bilang drug personality.

Nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang katransaksiyon at bigla umanong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad, na gumanti ng putok.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog