Mula sa People

KINASAL na ang dating Cleveland Browns quarterback na si Johnny Manziel.

Johnny at Bre copy

Ang 25 taong gulang na atleta, na nagbabalak bumalik sa NFL, ay ikinasal sa modelong si Bre Tiesi sa isang pribadong seremonya sa California courthouse, kinumpirmang ulat sa PEOPLE. Inilihim ng couple sa lahat ang kanilang kasal maliban sa mga taong pinakamalalapit sa kanila.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“He is telling people close to him (about the wedding),” lahad ng insider sa PEOPLE. “They didn’t invite anyone but a couple of witnesses. I think they’ll have a party later.”

Ayon sa source na malapit kina Manziel, si Tiesi ang naging sandalan at lakas sa magulong buhay ng atleta. “He’s trying to get his life settled down,” lahad ng source. “She’s good for him and balances him, and he’s crazy about her.”

Habang hindi pa isinasapubliko ng dalawa ang kanilang kasal, nakitaan na ng singsing sa kanilang wedding fingers ang dalawa simula pa noong Pebrero. Isang diamond infinity band para kay Tiesi at isang double ring version para kay Manziel.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2016 at naging engaged naman noong nakaraang taon sa Paris.

Ang troubled quarterback, na naging maningning na bituin ng NFL, ay nakaranas ng sobriety at naakusahan ng pambubugbog sa dating girlfriend. Ibabasura ang kaso, bilang bahagi ng plea deal na nagre-require sa kanya na dumalo ng anger management gayundin ang domestic violence panel at substance-abuse program.

Noong 2016, tinanggal siya ng kanyang ahente kasunod ng paglabas ng Cleveland Browns.

Umaasang makababalik si Manziel sa NFL. “He wants to return to the NFL,” lahad ng insider. “All he wants to do is to come back.”

Ang TMZ ang unang nag-ulat ng kasal.