Ni Aaron Recuenco

Walong hinihinalang drug trafficker, kabilang ang apat na dayuhan, ang hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa pagkakasangkot sa drug trade matapos silang maaresto noong 2016.

Ayon kay Senior Supt. Albert Ignatius Ferro, director ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, isa sa dalawang kaso ang unang nakapagpakulong sa drug suspects na inaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Hinatulan ni Judge Luna Ebora-Cacha, ng Quezon City Regional Trial Court Branch 82, ng habambuhay na pagkakakulong sina Wilfredo Uy, Yang Shu, Lu Pang Ming, pawang Chinese; at ang Taiwanese na si Chen Ta Yun.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Inihatol din ni Marilou D Runes-Taman, ng Regional Trial Court Branch 98 ng Quezon City, ang habambuhay na pagkakakulong kina Eduardo Dario, Rea Mae Libiran, John Rey Bungcasan, at Gemmarose Codera.

Sila ay pawang inaresto ng mga tauhan ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City dahil sa pagkakasamsam sa 45 kilo ng shabu noong 2016.