Ni Light A. Nolasco

ALIAGA, Nueva Ecija - Nilooban ng mga hindi nakilalang lalaki ang isang motorcycle shop, at tinangay ang mga paninda at maghapong kita nito, sa Barangay Poblacion, Aliaga, Nueva Ecija, nitong Martes ng madaling-araw.

Sa salaysay sa pulisya ng biktimang si Mark Harry Taguiami, 33, may-ari ng shop, nagulat na lamang sila nang nawawala na ang mga naka-display nilang paninda nang buksan nila ang puwesto kinabukasan.

Nilimas din ng mga magnanakaw ang P42,000 kinita ng shop.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?