Ni Mary Ann Santiago

Bilang bahagi ng paggunita sa Mahal na Araw, idineklara ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Miyerkules Santo, Marso 28, bilang non-working holiday para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod.

Sa inisyung memorandum mula sa tanggapan ng Office of the Mayor, nabatid na layunin ng pagsuspinde sa trabaho na mabigyan ang mga kawani ng siyudad ng sapat na panahon upang makapaghanda para sa Mahal na Araw, partikular na ang mga planong umuwi sa kani-kanilang lalawigan.

“Honorable Mayor Joseph Estrada has declared March 28, 2018, Holy Wednesday as a non-working day in the City Government of Manila to give all city personnel ample time to prepare for the holidays in the observance of the Holy Week,” nakasaad sa memorandum.

Sen. Tulfo, kinumpirmang kaanak ng senador sakay ng SUV na may plakang no.7

Ang isang-pahinang memorandum ay pirmado ni City Administrator Ericson A. Alcovendaz, at naka-address sa lahat ng department, bureau, tanggapan, at mga empleyado ng Manila City Hall.