Nina Mina Navarro at Fer Taboy

Matapos ang ilang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng dalawang Filipino crew sa nasunog na barko ng Maersk Honam sa Arabian Sea.

Sa ulat ng Philippine Navy, nakita sa ilalim na bahagi ng barko ang mga bangkay nina Engine Cadet John Rey Begaso, ng Barangay Balabago, Jaro, Iloilo City, at Engine Cadet Janrey Genovatin, taga-Iloilo rin.

Naniniwala ang pamunuan ng Maersk Line na dahil sa matinding pinsala ng sunog sa nasabing barko kaya hindi nakaligtas ang mga biktima.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Unang kinumpirma ng John B. Lacson Foundation Maritime University (JBLFMU) na dalawang alumni nito ang nawawala sa pagkasunog Singapore-flagged Maersk Honam. Pabalik na sana ang barko sa Singapore karga ang 7,860 containers nang ito ay masunog noong Marso 6, 2018.

Nailigtas naman ang isa pang Pinoy crew ng barko na si Carl Vincent Chan kasama ang 21 iba pa, at ginagamot na sa ospital.

Samantala, patuloy ang paghahanap ng Maersk Line sa isa pang nawawalang crew, na hindi pa pinapangalanan.