ISTANBUL (CNN) – Patay ang isang mayamang Turkish socialite at pito nitong kaibigan nang bumulusok sa Iran ang eroplanong kanilang sinasakyan pauwi mula sa kanyang bachelorette party nitong Linggo, iniulat ng Turkish media at ng pinuno ng Turkish Red Crescent.

Namatay ang lahat ng 11 kataong sakay ng flight mula sa Sharjah sa United Arab Emirates patungong Istanbul, Turkey nang bumulusok ang eroplano sa lungsod ng Shahr-e Kord sa timog kanluran ng Iran, sinabi ng pinuno ng Iran civil aviation office sa IRNA news agency.

Si Mina Basaran, 28-anyos, ay panganay na anak ng Turkish billionaire na si Huseyin Basaran ng Basaran Investment Holding. Sa kanya ipinangalan ang Mina Towers, isa sa pinakamalaking construction projects sa Istanbul. Nakatakda sana siyang ikasal kay Murat Gezer sa Abril 14 sa Ciragan Sarayi, isang five-star hotel sa Istanbul.

Nagpaskil pa ang heiress at kanyang mga kaibigan ng litrato nilang magkakasama sa biyahe. Ang huling litrato sa Instagram account ni Mina Basaran ay kanilang barkadahan na nasa One and Only Royal Mirage luxury hotel sa Dubai.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sinabi ng Ministry of Transport ng Turkey na bumulusok ang eroplano matapos tumawag at mag-ulat ng “technical failure.” Nawala ito sa radar dakong 14.40 GMT nitong Linggo, 70 minuto matapos mag-take-off.

Natagpuan ang black box ng eroplano sa Helen Mountains sa Kiyar district nitong Lunes.